Laban ni Dodie, Jr. Gaganapin sa Caloocan

Magkakasamang nag-pose sa media ang pambato ng Pilipinas na si Dodie Boy Peñalosa, Jr. (pangatlo sa kaliwa) at Super James Singmanasak (nakasuot ng yellow short) ng Thailand kasama sina Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri at City Administrator Russel Ramirez sa ginananap na weigh-in sa dambana ni Gat Andres Bonifacio. Libreng mapapanood ng mga residente ang laban ng dalawa sa Recom Dome, Barangay 179, Amparo, Caloocan City ngayong araw (Sabado).

Handang-handa na sa laban sina Dodie Boy Peñalosa, Jr. (nakasuot ng itim na jacket) ng Pilipinas at Super James Singmanasak (nakasuot ng puting jacket) na gaganapin ngayong araw (Sabado) sa Recom Dome, Barangay 179, Amparo matapos na magpakuha ng larawan kasama si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri.

Pasadong-pasado sa timbang si Dodie Boy Peñalosa, Jr. sa ginanap na weigh-in habang nakamasid naman sina Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri, (dulong kaliwa), City Administrator Russel Ramirez (nakasuot ng yellow na polo shirt) at Coach Dindo Simpao (dulong kanan) ng Sports Department. Gaganapin ang laban ni Peñalosa ngayong araw (Sabado) sa Recom Dome Barangay 179, Amparo, Caloocan City.
Copyright © 2011 Caloocan City Government. All Rights Reserved.
Developed by Marvill Web Development | Concept - Design - Create