MENU

Matagumpay na ipinagdiwang ng Lungsod ng Caloocan ang ika-120 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas sa Monumento Circle.

Sa pangunguna nina Caloocan Mayor Oscar *OCA* Malapitan at Metro Manila Development Authority Chairman General Danilo Lim, ginunita ng mga dumalo ang pakikipaglaban ng mga bayani upang makamit ng bansa ang kalayaan na tinatamasa nito ngayon.

Nag-alay din ng bulaklak sa dambana ni Gat Andres Bonifacio sina Mayor OCA, Chairman Lim, 1st District Congressman Dale Gonzalo *Along* Malapitan, 2nd District Congressman Edgardo Erice, at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Macario Assistio bilang pagpupugay sa kanyang naiambag sa kalayaan ng bansa.

Hinimok naman ni Mayor OCA ang mga taga-Caloocan na magkaisa upang protektahan ang kalayaang ito at patuloy na lumaban sa mga modernong kaaway ng bansa tulad ng krimen, droga at kahirapan.

Sinabi pa ni Mayor OCA na, “walang imposible kung mayroon tayong sipag, tiyaga, at determinasyon na mapa-unlad ang ating buhay.”

Kabilang din sa mga dumalo sa naturang pagdiriwang ang ilang mga guro, miyembro ng kapulisan at kasundaluhan, mga kawani ng Caloocan City Hall, at mga lider ng iba’t-ibang sektor sa Lungsod ng Caloocan.