MENU

MEGA JOB FAIR. 
Nagaganap ngayon ang Mega Job Fair sa Bulwagang Katipunan sa main city hall.

Ito ay proyekto ni MAYOR OCA MALAPITAN sa pamamagitan ng LIRO (Labor and Indutrial Relations Office) at ng PESO (Public Employment Services Office).

Dinagsa ng libo-libong mga aplikante ang mahigit 5,000 mga bukas na trabaho mula sa mahigit 100 mga pribadong kumpanya, para sa mga taga Caloocan.

Mahigit 200 mga aplikante ang hired on the spot. Ang bultuhang pag-recruit ng mga bagong empleyado ay tatagal hanggang mamayang alas-4:00 ng hapon.